6 na illegal alien naaresto ng BI

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2018 - 10:25 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, dinakip ang mga dayuhan sa bisa ng mission order sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Bulacan.

Kabilang sa dinakip ang isang babaeng Chinese na nakuhanan ng pekeng Philippine passport at limang dayuhan na nagtatrabaho sa bansa nang walang working visa.

Kinilala ang babaeng Chinese na si Cai Nongnong, 28 anyos na nadakip sa bisinidad mismo ng BI main office sa Maynila.

Overstaying na umano sa bansa si Cai at gumamit pa ng pekeng pasaporte gamit ang pangalang Jasmin Tan Lui.

Ang limang iba pang dayuhan ay nadakip naman sa Guiguinto, Bulacan matapos maaktuhang nagtatrabaho sa pagawaan ng bag at tsinelas nang walang karampatang visa.

Kinilala silang sina Guanxi Zheng, Honghong Zhuang, Jianmin Wu, Zhidan Gao na pawang Chinese at ang Korean national na si Hyun Seung Kim.

TAGS: bureau of immigration, Radyo Inquirer, bureau of immigration, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.