Judy Ann Santos, ipagpuprodyus ng movie ni Gladys Reyes!

June 19, 2015 - 04:49 PM
juday Sa “Wow It’s Showbiz!” nagsalita itong si Gladys Reyes, ang nanalong best supporting actress sa Urian Awards. Ayon sa kanya ay first niyang ma-nominate at masuwerteng nakamit niya ang tropeo.”Ganon pala ang pakiramdam ng nananalo, ang buong akala ko ay umaarte lang yung mga nananalo ng awards. Kapag pala ikaw na ang nasa entablado ay hindi mo na alam kung ang sinasabi mo at lumalabas na salita sa bibig mo,” sabi niya.

At dahil sa pagkapanalo niya ng supporting actress para sa “Magkakabaung” ay nabuo sa kanyang isipan na puwede pala siyang maging producer ng pelikula. ” After nga ng pagkapanalo ko ay nagkaroon ako ng interes na magprodyus ng indie movie. At dito sa Radyo Inquirer ko lang unang sinabi ito.

“Pero sa ngayon ay hindi ko pa alam kung sinu-sino ang mga kasama sa casting. Sa totoo lang, gusto ko na si Judy Ann (Santos) ang artista ko. Hindi ko pa rin alam kung ako ay mag-aartista o producer na lang.

“Pero hindi naman parang Mara Clara ang istorya. Sa edad ba naman namin ni Juday ay makikita kaming nagsasabunutan. Sa Indie kasi malaya ka kung ano ang gusto mong ipakita sa mga manonood,” sagot niya.

Bukod kasi sa mahabang taon na nagkasama sila sa seryeng Mara Clara ay isa sa mga kaibigan niya si Judy Ann.

Sina Carmi Martin, Donita Rose, Angelu de Leon ang itinuturing niyang mga kaibigan sa showbiz.

-ooo-

Ayon sa aming very reliable source ay hindi na raw tutuloy sa pagpasok sa pulitika ni Luis Manzano.

Bakit ‘di siya tutuloy kumandidato sa Batangas? Sikat naman siyang artista at anak pa ng Gobernador?

Maagang nalaman kasi ng kampo nina Luis na mahina sa tao si Luis. At keysa nga naman matalo siya ay mas mabuting itigil na ang pantasya niyang maging politician.

Ang tanong, alam na kaya ni Luis ang dahilan kung sakaling umatras siya?

-ooo-

Sa isang umpukan ng entertainment press ay pinag-uusapan kung sinu-sino ang karapat dapat na maging pangulo ng Pilipinas.

-ooo-

Sino itong sexy actress na madalas mag-stay sa hotel S? At nang nabuking na mga movie press ang kanyang gawain ay lumipat ito sa bandang Cubao area. May mga bading kasi na tumatambay malapit sa hotel kaya sight na sight siya.

Sayang ang panahon niya, time is gold, iha. Pumirma pa naman siya ng kontrata sa isang movie outfit.

Pero waley pa rin.

Sayang may ‘K’ pa naman… / Miss F, Fernan de Guzman

 

TAGS: Judy Ann Santos, Luis Manzano, showbiz, Judy Ann Santos, Luis Manzano, showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.