DFA: Israel trip ni Duterte walang epekto sa mga Arab countries

By Chona Yu August 30, 2018 - 03:25 PM

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na hindi makasasakit o makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at ng ibang bansa ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa September 2 hanggang 5.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Ernesto Abella na batid ng Pilipinas ang sentimyento ng Arab countries na hindi kinikilala bilang isang hiwalay na estado ang Israel.

Ayon kay Abella, nakamit na ng mga bansa ang stage of maturity.

Napatunayan na rin aniya ng pangulo na posibleng maisulong ang isang foreign independent foreign policy nang hindi nasisira ang relasyon sa ibang bansa.

Kasabay nito, naniniwala si Abella naayos na rin ng pangulo ang kanyang kontrobersiyal na pahayag noon nang sabihin nitong masaya siya na patayin ang may tatlong milyong Pinoy na drug addict sa bansa gaya ng pagpatay noon ni Adolf Hitler sa mga Hudyo.

TAGS: arabs, duterte, foreign trip, israel, arabs, duterte, foreign trip, israel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.