GMA magreretiro na sa pulitika

By Erwin Aguilon August 30, 2018 - 02:48 PM

Radyo Inquirer

Hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno sa susunod na taon si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isang ambush interview sa lalawigan ng Pampanga, sinabi ni Speaker GMA na magreretiro na siya sa pulitika sa susunod na taon.

Ayon kay GMA tatapusin na lamang niya ang kanyang termino bilang isang kongesista bago tuluyang iwan ang mundo ng pulitika.

Lahat naman anya ay dumarating sa edad na dapat magretiro kaya kailangang mag-move on.

Para sa House Speaker, blessing ang pagkakahalal sa kanya bilang pinuno ng Kamara bago ang kanyang nakatakdang pagreretiro.

Ipinagmalaki pa nito na nakatrabaho niya ang mga batang kongresista at alam niya kung paano ang mga ito magtrabaho.

Dahil dito alam anya niya na maiiwan ang gobyerno na nasa mga magagaling mamahala.

TAGS: Cong. Gloria Macapagal-Arroyo, Pampanga, speaker, Cong. Gloria Macapagal-Arroyo, Pampanga, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.