Mag-anak patay matapos uminom ng lambanog sa Laguna

By Justinne Punsalang August 30, 2018 - 02:34 AM

Tatlong magkakamag-anak ang nasawi matapos apat na araw uminom ng lambanog sa bayan ng Luisiana, Laguna.

Kinilala ang mga nasawi na sina Michelle Faustino at kinakasamang si Roland Gradia, at tiyahin nitong si Sonia.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, apat na magkakasunod na araw naglasing ang tatlo kasama ang kanilang mga kaibigan. Ininom ng mga ito ang lambanog.

Hinala ng mga kamag-anak, nasawi si Sonia dahil sa pagkalason mula sa lambanog.

Sinasabing nagsuka at dumumi ng dugo ang mga ito bago masawi sa loob ng ospital.

Lumabas sa death certificate ng mga biktima na labis pag-inom ng alak ang dahilan ng kanilang kamatayan.

Gayumpaman ay ipapasuri na ang ininom na lambanog ng tatlo upang malaman kung may lason ba ito. Hinahanap na rin ng mga pulis ang nagbenta ng nasabing inumin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.