Holdupper patay sa engkwentro sa Caloocan City

By Justinne Punsalang August 28, 2018 - 04:54 AM
Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City. Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaking isa umanong holdupper. Ayon sa mga elemento ng Caloocan City Police, dumating sa kanilang himpilan ang isang babae na nabiktima umano ng panghoholdup, kung saan natangay ang kanyang cellphone at wallet. Agad na nagkasa ang mga otoridad ng followup operation, at nakita ang lalaki na mayroong kahina-hinalang kilos. Imbes na kausapin ang mga pulis ay kumaripas ng takbo ang lalaki at nagpaputok pa, dahilan upang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay. Sa tabi ng kanyang bangkay ay naroon ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril at isang sumpak. Wala naman na sa suspek ang gamit ng biktima.

TAGS: caloocan city, holdupper, caloocan city, holdupper

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.