Pilipinas, suportado ang US sa pagpapadala ng mga barko sa Spratlys

October 29, 2015 - 04:24 AM

 

charles-jose-dfa lassenWalang problema sa Pilipinas kung sakaling dagdagan pa ng ng Estados Unidos ang mga barkong pandigma na maglalayag sa West Philippines sea malapit sa mga isla na ginawa ng China.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Charles Jose, walang lalabaging batas ang Amerika sakaling isakatuparan ito.

Paliwanag ni Jose, napapaloob ang naturang plano sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea at rule of law.

Malaki aniya ngayon ang pangangailangan ng mundo na protektahan ang international law sa South China Sea dahil sa iligal, at unilateral na pagpapalawak ng teritoryong nangyayari sa naturang karagatan.

Ang naturang ‘expansive behavior’ aniya na nangayayari ngayon sa South China Sea ay nagiging dahilan upang malagay sa alanganin ang sitwasyon ng seguridad sa buong asya at sa buong mundo.

Nitong nakaraang araw, unang lumayag ang USS Lassen, isang guided-missile US destroyer sa loob ng 12 nautical mile zone ng isa sa mga artificial island na itinayo ng China sa Spratly goupr of Islands.

Ang naturang hakbang ay ikinagalit ng China at tinawag ang hakbang ng Amerika nab anta sa kanilang soberenya.

Sa panig naman ng Amerika, iginiit nitong wala silang nilalabag na batas sa ‘sail by’ dahil ginawa ng USS Lassen ang paglalayag sa loob ng ‘international waters’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.