Ride-sharing services, papatawan na rin ng buwis ng BIR

October 29, 2015 - 04:16 AM

 

birBalak nang patawan ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Uber.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Nelson Aspe, maglalabas sila ng mga bagong panuntunan para patawan ng buwis ang lahat ng may kinalaman sa sistema ng Uber.

Kabilang dito ang pag-aatas sa kumpanya na magbigay ng resibo, at paghahain ng mga may-ari ng Uber cars ng tax returns.

Hindi rin makakalusot ang mga drivers na hindi naman nagmamay-ari ng mga sasakyang kanilang minamaneho, dahil ikokonsidera na sila bilang empleyado kaya may karampatang buwis na rin na ibabawas sa kanilang mga sahod.

Magkakaroon na rin ng value-added tax (VAT) ang mga uber rides na magdadagdag ng 12% sa kabuuang bayarin ng customer.

Giit ni Aspe, nasa ilalim na ng batas ang mga nasabing buwis, kaya pwede itong maimplementa.

Magbibigay ng resibo ang mga Uber drivers na may-ari rin ng kanilang sasakyan, bilang self-employed individuals, habang ang mga driver na nangangamuhan lamang, ay maglalabas ng resibo sa ngalan ng kanilang amo.

Hindi lamang sa Uber magkakaroon ng bisa ang nasabing bagong panuntunan kundi sa iba pang mga ride-sharing services tulad ng GrabTaxi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.