2 tulak ng droga arestado sa Caloocan City

By Jong Manlapaz August 25, 2018 - 02:08 AM

Arestado ang babae at lalaki na hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy bust operation sa Samson Road, Barangay 80, Caloocan City

Kinilala ang mga suspek na sina Marissa Julian at Maridel Paynante isang pedicab driver.

Naaresto ang dalawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at ng Station Special Operations Unit (SSOU) sa pangunguna ni PSI Jervies Soriano.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa mga suspek sa halagang 300 pesos, at ng magkaabutan na dito na dinakma ng mga pulis ang dalawa at nakuhanan pa ng coin purse na naglalaman ng 39 na piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na may white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Ang dalawa ay nahaharap ngayon sa paglabag sa R.A. 9165 na posibleng makulong habambuhay.

TAGS: buy bust operation, caloocan city, buy bust operation, caloocan city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.