Mga kumpiskadong bigas ipinado-donate na sa DSWD ng isang mambabatas

By Erwin Aguilon August 21, 2018 - 03:42 PM

Inquirer file photo

Hinikayat ni House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua si Customs Commissioner Isidro Lapeña na i-donate sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nakumpiskang bigas sa Manila International Container Port.

Sa liham ni Cua kay Lapeña, sinabi nito na napapanahon ang pagdo donate sa nasa 2,500 toneladang bigas sa pamahalaan dahil sa katatapos na kalamidad.

Naayon naman anya ito sa Customs Modernization and Tariff Act ang probisyon na maaring ibigay sa gobyerno ang mga nakukumpiskang produkto.

Sa tala anya ng Office of the Civil Defense ay umaabot sa 600 na mga lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang binaha at sinalanta kung saan halos 350,000 na pamilya ang apektado.

Samantala, Sa Zamboanga City naman ay umabot na sa P70 kada kilo ang bentahan ng bigas dahil sa kakapusan ng suplay sa mga pamilihan.

TAGS: Bigas, cua, lapeña, ndrrmc, smuggled, Bigas, cua, lapeña, ndrrmc, smuggled

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.