3 sugatan makaraang ma-hit and run sa Maynila

By Isa Avendaño-Umali August 20, 2018 - 09:45 AM

Tatlong katao ang sugatan makaraang ma-hit and run sa Roxas Boulevard corner Pedrgo Gil sa lungsod ng Maynila, ala-una ng madaling araw ng Lunes (August 20).

Batay sa isang saksi, isang puting AUV ang nakabundol sa mga biktima.

Imbes na tulungan ang mga biktima ay tumakas ang sasakyan.

Rumesponde ang Philippine Red Cross at nilapatan ng lunas ang mga sugatan.

Nabatid na isa sa mga biktima ay college student, na isinugod sa Ospital ng Maynila.

Dalawa naman sa mga biktima ay mga bata, na maswerteng nagtamo lamang ng minor injuries.

Inaalam na ng Manila Police Distric kung sino ang nakabundol sa tatlo.

Susuriin na rin MPD kung may kuha ng CCTV sa lugar, upang mas madaling matunton ang sasakyang naka-hit and run sa mga biktima.

 

TAGS: hit and run, MPD, hit and run, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.