Umano’y tulak ng droga patay nang manlaban sa mga pulis sa Pasig

By Ricky Brozas August 19, 2018 - 05:37 PM

Inquirer file photo

Nasawi ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos umano nitong makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Palatiw, Lungsod ng Pasig.

Kinilala ang suspek bilang si alyas Carlo.

Nabatid na positibo umanong nakabili ang mga pulis ng shabu na nagkakahalaga ng P200 sa suspek subalit nang makatunog na mga alagad ng batas ang kaniyang ka-transaksyon ay nagpaputok ito ng baril.

Ayon kay Pasig City Acting Chief of Police Rizalito Gapas, napilitan lang gumanti ang mga otoridad nang magpaputok ng baril ang suspek.

Tinangka pa umano ng suspek na tumalon sa Parian Creek subalit hindi na ito nakalayo pa dahil sa tinamong sugat sanhi ng tama ng bala.

Naisugod pa ang suspek sa ospital subalit agad rin siyang binawian ng buhay.

Narekober sa suspek ang limang sachet ng shabu at isang kalibre .45 na baril.

Nakatakas naman ang isa pang kasama ng suspek na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

TAGS: drug pusher, Pasig City Police, drug pusher, Pasig City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.