“Eat Bulaga!,” maaari nang mapanood ng 24/7

By Angellic Jordan August 19, 2018 - 10:17 AM

Inquirer file photo

24/7 nang maaaring mapanood ang longest-running noontime show na “Eat Bulaga!.”

Magkakaroon na kasi ng YouTube account ang noontime variety program kung saan maaaring balikan ang episodes nito.

Maliban dito, pwede na rin itong mapanood sa pamamagitan ng livestream.

Bumuo rin ng exclusive content ang programa na pinamagatang “Eat Bulaga Behind the Scenes” kung saan makikita naman ang preparasyon ng mga artista at staff sa programa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Jeny Ferre, senior vice president for creatives and operations ng programa, na nais nilang mapanood at hindi mapalampas ng kanilang mga tagasubaybay ang mga episode saanman at anumang oras.

Pagbibida pa si Ferre, malaking advantage ng Eat Bulaga! ang matagal na experience sa industriya.

Marami na aniyang pagsubok ang pinagdaanan ng programa at ngayon, nananatiling matatag.

Ipinapakita lang aniya nito ang pagiging flexible at pagpapabuti ng programa para sa kanilang mga tagahanga.

TAGS: eat bulaga, eat bulaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.