Manila concert ng K-Pop group na GFriend, ipinagpaliban

By Rhommel Balasbas August 19, 2018 - 05:11 AM

Hindi lamang mga pasahero sa loob at labas ng bansa ang apektado ng runway ng closure ng NAIA mula Biyernes hanggang Sabado.

Sa anunsyo ng Source Music, ipinagpaliban ang nakatakda sanang concert ng South Korean girl group na GFriend sa Maynila ngayong araw.

Inilipat ito sa August 26 ngunit mananatili sa Kia Theater sa Quezon City ang venue.

Ayon sa Source Music, ang postponement ng concert ay bunsod ng suspensyon ng ilang flights sa NAIA dahil sa pagsadsad ng isang Xiamen airplane sa runway ng NAIA.

Tanghali lamang ng Sabado nang maibalik sa normal ang operasyon sa NAIA matapos maalis ang nakahambalang na eroplano sa runway.

Ang GFriend na nagsimula noong taong 2015 ay kilala sa kanilang mga kantang ‘Me Gustas Tu’ at ‘Navillera’.

TAGS: GFriend in Manila, Source Music, GFriend in Manila, Source Music

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.