Lider ng kilabot na gun for hire group patay sa barilan sa Bulacan

By Den Macaranas August 18, 2018 - 04:58 PM

Dead-on-the-spot ang pinuno ng isang gun for hire at carnapping group sa Bulacan makaraan siyang manlaban sa mga tauhan ng Philippine National Police.

Kinilala ang napatay na lider ng Raga Group na si Bryan Raga na nakipagbarilan sa mga pulis sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng Bulacan PNP laban sa Raga group.

Pero nakatunog umano ang mga suspek kaya sila nanlaban sa mga operatiba ng PNP.

Makaraan ang ilang minutong barilan ay napatay si Bryan samantalang nakatakas naman ang kanyang kapatid na si Juan Raga.

Nahuli sa ginawang pagsalakay ng mga pulis ang isa sa mga miyembro ng grupo na si Joel Bernales.

Sa ginawang paghalughog ng mga pulis ay nakuha sa kuta ng mga suspek ang isang granada, isang 9mm na b baril, shotgun at iba’t ibang uri ng bala.

TAGS: Bulacan, carnapping, Gun for hire, PNP, raga group, Bulacan, carnapping, Gun for hire, PNP, raga group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.