Aretha Franklin pumanaw na sa edad na 76

By Justinne Punsalang August 16, 2018 - 11:07 PM

AP

Matapos makipaglaban sa sakit na cancer ay pumanaw na ang “Queen of Soul” na si Aretha Franklin.

Alas-9:50 ng umaga araw ng Huwebes sa Estados Unidos nang bawian ng buhay si Aretha dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit na pancreatic cancer.

Sa loob ng Karmanos Cancer Institute sa Detriot, USA nasawi ang singer kung saan ito ilang araw nang naka-confine.

Sa isang family statement sinabi na sa pagkamatay ni Aretha ay nawala ang kanilang matriarch at ‘rock of the family.’

Nagpasalamat naman ang pamilya ng singer sa lahat ng pagmamahal, suporta, at panalangin na ibinigay ng kanilang mga kaibigan at tagasuporta ng singer sa buong mundo.

Kasunod nito ay muling humiling ng privacy ang pamilya sa kanilang pagdadalamhati sa pagkamatay ng singer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.