Jordan Clarkson pinanood ang laban ng Pilipinas sa Asian Games

By Justinne Punsalang August 17, 2018 - 12:24 AM

AP

Dumeretso mula Los Angeles, California si Jordan Clarkson sa tapatan ng Pilipinas at Kazakhstan para sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Hindi inalintana ni Clarkson ang pagod at jet lag dahil agad itong nagtungo sa GBK Basketball Hall.

Napanood ng NBA star ang huling dalawang quarter ng tapatan kung saan nagwagi ang Pilipinas kontra Kazakhstan sa iskor na 96-59.

Si Asi Taulava ang nakatabi ni Clarkson sa bench habang pinapanood ang opening game ng national team.

Samantala, mayroon namang apat na araw si Clarkson upang masanay na makasama ang iba pang miyembro ng koponan sa ilalim ng coaching ni Yeng Guiao.

Sa August 21, araw ng Martes unang malalaro si Clarkson para sa Pilipinas sa tapatan kontra koponan ng China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.