Problema sa droga sa Maynila mas malala kaysa sa Naga City — PDEA ROV director

By Justinne Punsalang August 17, 2018 - 03:08 AM

Pinalagan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office V sa Bicol ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hotbed ng shabu ang Naga City sa Camarines Sur.

Ayon kay PDEA ROV director Christian Frivaldo, kung ikukumpara ang datos sa Maynila at Naga City ay masasabing mas malala ang problema sa shabu at droga sa Maynila.

Paglilinaw nito, isa talagang problema para sa mga highly urbanized cities ang shabu kaya naman trabaho ng PDEA na supilin ito.

Batay sa datos ng PDEA, 76.98% ng mga barangay sa Bicol region ang mayroong problema sa droga.

Partikular sa Naga City, 15 sa 27 mga barangay ang apektado ng kalakaran ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.