Lalaki pinagbabaril sa piyesta sa Bulacan

By Justinne Punsalang August 17, 2018 - 04:29 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay San Roque, sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Romulo Temblor, 40 na taong gulang.

Nilagyan ito ng karatula ng mga suspek kung saan nakasulat ang mga katagang “drug pusher, adik, magnanakaw,” at “babala sa lahat ng adik, mamamatay.”

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, dalawang lalaking sakay ng isang van ang nasa likod ng krimen.

Mga tama ng bala sa ulo ang agad na tumapos sa buhay ng biktima.

Nabatid pa na nasa Barangay San Roque si Temblor dahil piyesta sa lugar at nag-iinuman ito kasama ng kanyang mga kaibigan.

Narekober ng mga pulis ang dalawang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.