China, pumalag sa pahayag ni Duterte sa South China Sea

By Len Montaño August 16, 2018 - 09:40 PM

Pinalagan ng China ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maghinay ang bansa sa pagbibigay ng babala sa mga barko at eroplanong dumaraan sa South China Sea.

Una nang sinabi ng pangulo na walang karapatan ang China na bawalan ang dayuhang barko at eroplano na dumaan sa nasabing karagatan.

Sa statement na ipinadala ng China sa Reuters, sinabi ng kanilang Foreign Ministry na teritoryo nila ang Spratly Islands.

Iginagalang umano ng China ang malayang paglalayag at paglipad sa South China Sea na tinatamasa ng lahat ng bansa sa ilalim ng international law.
|
Pero iginiit ng China ang karapatan na magsagawa ng kaukulang hakbang bilang tugon sa eroplano at barko na sinasadya umanong lumapit sa South China Sea.

Hinimok ng China ang ibang panig na makipag-ugnayan sa kanila at parehong ingatan ang magandang sitwasyon sa lugar.

TAGS: China, Pang. Rodrigo Duterte, South China Sea, China, Pang. Rodrigo Duterte, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.