Palasyo, binati ang Team Pilipinas sa pagkapanalo vs Kazakhstan

By Chona Yu August 16, 2018 - 08:15 PM

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang ang pagkapanalo ng Team Pilipinas kontra sa Kazakhstan sa Asian Games na ginaganap sa Indonesia.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, ‘pumped up’ at mataas ang morale ng mga manlalarong Pinoy nang harapin ang team Kazakhstan.

Umaasa rin si Go na muling mananalo ang Pilipinas kontra sa China dahil makakasama na ng koponan ang NBA player at Fil-Am na si Jordan Clarkson.

Sinabi pa ni Go na mistulang kinatatakutan na ngayon ang koponan ng Pilipinas dahil sa naging magandang resulta sa unang laro.

Matatandaang tinalo ng Pilipinas ang Kazakhstan sa iskor na 96-59.

TAGS: Asian Games, Palasyo ng Malakanyang, SAP Bong Go, Team Pilipinas, Asian Games, Palasyo ng Malakanyang, SAP Bong Go, Team Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.