Higit P1.3M shabu, nasabat sa Cebu; Drug suspect, patay nang manlaban sa pulis

By Angellic Jordan August 16, 2018 - 04:09 PM

Photo credit: Cebu Provincial Police Office

Nasamsam ang 115 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,375,000 sa ikinasang joint buy bust operation ng mga otoridad sa Talisay City, Cebu.

Magkakatuwang sa operasyon ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Branch (PIB) at Talisay City police.

Ayon sa pulisya, nakatanggap ang iba’t ibang PNP offices sa probinsya ng Cebu ng mga mensahe mula sa mga concerned citizen ukol sa transakyon ng ilegal na droga ng drug suspect na si Socarates Dacay na kilala bilang “kutsero.”

Nahuli si Dacay matapos bumili ng droga ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa bahagi ng Sitio Kimba sa Barangay Cansojong dakong 2:16, Miyerkules ng hapon.

Nang mapag-alamang pulisya ang katransaksyon, agad tumakbo si Dacay sa loob ng kaniyang bahay at sinubukan pang manlaban.

Binalikan ng putok ng otoridad ang drug suspect at dahil dito, nagtamo ito ng sugat na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, naaresto naman ang kasamahan nitong si Marlon Rura Navarro Jr., 49-anyos, at kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng Talisay City Police Station.

TAGS: Droga, shabu, Droga, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.