Ipinasarang bar sa Makati matapos mahulihan ng illegal na droga, binalikan ng NCRPO

By Jong Manlapaz August 16, 2018 - 12:48 PM

NCRPO Photo

Muling binalikan National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar ang Time Bar sa Makati Avenue.

Bitbit ang search warrant binuksan ng NCRPO ang establisyimento na nauna nang ipinasara makaraang may masabat ditong mga party drugs noong Biyernes.

Nais matiyak ni Eleazar na wala ng bawal na gamot ang nakatago sa Time Bar na ginagawa umanong drug den.

Nitong nakalipas na Biyernes nakuhaan ng P1.7 milyon na halaga ng party drugs ang nasabing bar.

Dahil dito, sinampahan ng kaso ang may-ari ng bar na si Danilo Regino at 31 empleyado nito.

TAGS: Makati, NCRPO, Time Bar, Makati, NCRPO, Time Bar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.