P360,000 na halaga ng shabu nasabat sa anti-drug operations sa Legazpi City

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 16, 2018 - 11:10 AM

Dalawa ang arestado sa ikinasang magkahiwalaly na anti-illegal drug operations sa Legazpi City ng mga otoridad.

Nadakip sa operasyon sina Marvin Sevillano alyas Gaus at Antonio Alejo alyas Anton na kapwa residente ng Barangay Sabang.

Armado ng search warrant ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng Lucena City police nang isagawa ang pagsalakay sa bahay ng dalawa.

Nasabat mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P360,000.

Umabot sa 40 gramo ang nakuha sa bahay ni Sevillano habang 20 grams naman ang nakuha kay Alejo.

TAGS: anti-illegal drugs, Legazpi City, PDEA, PNP, anti-illegal drugs, Legazpi City, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.