PUBLIC SERVICE: Mga lugar na maaapektuhan ng scheduled power interruption ng Meralco

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 16, 2018 - 06:48 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Quezon City, Calamba City, at mga bayan ng Baliuag at Pulilan sa Bulacan.

Sa abiso ng Meralco, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Barangay Bagumbuhay sa Project 4.

Ito ay dahil sa line reconductoring work ng Meralco sa E. Evangelista Street.

Sa Calamba City Laguna naman, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Lecheria.

Ayon sa Meralco, magpapalit naman sila ng poste sa Watawat ng Lahi Compound sa naturang barangay.

Sa Baliuag at sa Pulilan sa Bulacan, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga ang power interruption sa mga barangay ng Makinabang at Taal.

Mayroon namang reconstruction ang Meralco sa kanilang pasilidad sa bahagi ng Barangay Makinabang.

TAGS: Bulacan, Calamba, meralco, power interruption, public service, quezon city, Bulacan, Calamba, meralco, power interruption, public service, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.