Enchong Dee kasali sa ‘Extreme Ends’ reality show sa Hong Kong

By Justinne Punsalang August 16, 2018 - 12:17 AM

Mapapanood si Enchong Dee sa Hong Kong-based reality show na ‘Extreme Ends.’

Kamakailan ay lumipad patungong Hong Kong ang Kapamilya actor para simulan ang shooting ng palabas.

Makakasama ni Enchong ang kanyang malapit na kaibigan at Kapamilya actress na si Ria Atayde.

Sa reality show na ‘Extreme Ends’ ay ipapakita ng apat na mga celebrities at kanilang special guests ang ‘extreme contrasts’ ng Hong Kong.

Kada episode ay magkakaibang ‘extreme contrasts’ ang mapapanood katulad halimbawa ng ‘fast vs slow’ o ‘high vs low.’

Sa isang panayam, sinabi ni Enchong na nasasabik na siyang simulan ang shooting para sa ‘Extreme Ends.’ Aniya, hindi niya alam kung ano ang kanilang mga pupuntahan at susubukan para sa reality show ngunit handa naman siyang i-test ang kanyang limits.

Dagdag pa ng aktor, kaya niya napili si Ria na samahan siya ay dahil ito ang laging nagtutulak sa kanya na sumubok ng mga bagong bagay.

Kamakailan naman ay naglabas si Enchong ng travel book na pinamagatang ‘Basta Trip Mo.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.