Maayos ang kondisyon ng kalusugan ni Pang. Duterte ayon kay Sec. Duque

By Chona Yu August 15, 2018 - 12:44 PM

“Full of life, aktibo at very sharp”.

Ganito inilarawan ni Health Secretary Francisco Duque III ang lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Duque na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ng pangulo.

Inihalimbawa pa ni Duque na makikita ang pangulo na nagpupunta pa sa iba’t ibang lugar para personal na alamin ang kalagayan ng publiko.

Kasabay nito, ipinauubaya naman na ni Duque sa pangulo ang pagpapasya kung tutugunan ang payo ni Secretary Carlos Dominuguez na magbakasyon na muna sa trabaho.

Ayon kay Duque, wala siya sa posisyon na magrekomenda na magbakasyon ang pangulo.

TAGS: health condition, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, health condition, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.