UP Manila Museum isinara muna dahil sa sira sa kisame

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 15, 2018 - 09:48 AM

Isinara muna sa publiko ang UP Manila Museum sa lungsod ng Maynila.

Sa abiso na ipinost sa kanilang Twitter, sinabi na sarado muna sa publiko ang UP Manila Museum of a History of Ideas.

Nakitaan kasi ng sira ang kisame nito matapos ang naranasang malakas na buhos ng ulan nitong nagdaang mga araw.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga bumibisita sa Museum ay minabuting isara na lamang ito habang isinasaayos ang sira.

Muli na lamang maglalabas ng abiso kung kailan bubuksan ang UP Manila Museum.

TAGS: Radyo Inquirer, UP Manila Museum, Radyo Inquirer, UP Manila Museum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.