Pitong miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Antique

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 15, 2018 - 08:53 AM

Patay ang pitong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ang mga pulis sa lalawigan ng Antique.

Ayon sa San Jose Municipal Police Station, naganap ang sagupaan pasado alas 12:00 ng madaling araw ng Miyerkules sa Purok 7 sa Barangay Atabay bayan ng San Jose.

Inabot umano ng isang oras ang bakbakan na ikinasawi ng pitong rebelde.

Wala namang nadamay na sibilyan o mga residente sa sagupaan.

Ayon sa mga otoridad, isisilbi ng mga pulis ang warrant of arrest sa dalawang suspek sa kasong frustrated murder pero nanlaban ang mga ito na pinagmulan na ng engkwentro.

TAGS: antique, new people's army, Radyo Inquirer, antique, new people's army, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.