24 patay sa bus accident sa Ecuador

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 15, 2018 - 07:56 AM

Patay ang 24 na katao makaraang maaksidente sa Ecuador ang isang bus na may sakay na mga turista mula Colombia at Venezuela.

Maliban sa 24 na nasawi, mayroon pang 22 na katao na nasugatan.

Ayon sa security secretary ng capital city ng Ecuador na si Juan Zapata, karamihan sa mga biktima ay pawang Colombians.

Ang bus na mayroong foreign license plate ay bumabagtas sa kahabaan ng highway sa 30 kilometers east ng Quito nang mawalan ito ng kontrol at saka bumaligtad at bumangga sa tatlong mga bahay sa lugar.

Kabilang sa nasawi ang tatlong Ecuadorians at tatlong mga bata.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga dayuhang nasawi para masabihan ang kanilang mga pamilya.

TAGS: bus accident, Ecuador, Radyo Inquirer, bus accident, Ecuador, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.