ABS-CBN humingi ng paumanhin sa paggamit ng litrato ng pamilya Dantes sa ‘Ang Probinsyano’

By Justinne Punsalang August 15, 2018 - 12:04 AM

Sinagot na ng pamunuan ng ABS-CBN ang open letter ni Dingdong Dantes tungkol sa paggamit sa litrato ng kanyang pamilya para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Sa isang pahayag ay humingi ng paumanhin ang ABS-CBN sa pamilya Dantes at sinabing wala silang intensyon na ma-offend ang mga ito.

Paliwanag ng network, kumuha sila ng third-party contractor na silang responsable sa mga photo props na kailangan para sa eksena. Hindi rin umano nila alam na ang ginamit na mga litrato ay mula pala sa kasal ni Dingdon at Marian Rivera, at binyag ng kanilang anak.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang ABS-CBN ng imbestigasyon ukol sa insidente at tiniyak na hindi na ito mauulit pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.