Drug suspek napatay ng mga pulis sa Bulacan

By Justinne Punsalang August 15, 2018 - 04:33 AM

Nauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy bust operation ng mga pulis sa Barangay Mulawin, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Hapon.

Ayon sa mga elemento ng San Jose Del Monte City Police, matapos makabili ng droga ang pulis na nagpanggap na poseur buyer mula kay alyas Hapon ay nakatunog ito na pulis pala ang katransaksyon.

Agad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang pulis na maswerteng nakapagtago at nakaiwas sa mga tama ng bala. Ang kanyang mga kasamahang mga pulis ang gumanti ng putok at tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek.

Isinugod pa sa ospital si alyas Hapon ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang hindi lisensyadong kalibre 38 baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.