Klase sa Marikina City suspendido pa rin

By Isa Avendaño-Umali August 14, 2018 - 11:12 PM

Marikina City PIO

Suspendido pa rin bukas, araw ng Miyerkules, August 15, ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko o pribadong paaralan, sa lungsod ng Marikina City.

Ito ang inanunsyo mismo ni Mayor Marcelino Teodoro ngayong hapon.

Dagdag ng alkalde, nais niyang mabigyan ang mga residente ng pagkakataon na makapaglinis at makapag-ayos ng kani-kanilang mga tahanan na napinsala dahil sa malakas na ulan at malawaka6ng pagbaha dulot ng Habagat.

Bagaman wala nang baha, marami sa mga kalsada at mga bahay ay marami pang putik.

As of 1PM ngayong araw, ang lebel ng tubig sa Marikina River ay nasa 14.2 meters, ibig sabihin ay walang nakataas na alarma.

Subalit may mga evacuees pa rin sa ilang designated evacuation centers, gaya sa Bulelak Gymnasium at iba pang mga eskwelahan.

Pero bumaba na ang bilang ng evacuees sa 2,394 families o 10,284 individuals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.