300,000 pang mga manggagawa mare-regular sa trabaho bago matapos ang taon – DOLE

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 07:57 AM

Aabot sa 300,000 mga contractual na manggagawa ang mare-regular sa trabaho bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ito ang pagtitiyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos niyang makausap ang pinakamalaking grupo ng mga employer sa bansa.

Ayon kay Bello, nangako ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na mare-regular sa trabaho ang 300,000 pang mga manggagawa sa buong bansa.

Mismong ang mga kumpanya na miyembro ng ECOP ang nagbigay ng commitment para ipatupad ang regularization.

Sa sandaling mairegular ang nasa 300,000 pang mangggawa, sinabi ni Bello na aabot na sa 600,000 na mga contractual employees ang mare-regular ngayong taon.

TAGS: contractual, DOLE, labor force, regular, contractual, DOLE, labor force, regular

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.