LOOK: Ilang lugar sa QC, Cavite at Batangas mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 06:59 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang ilang bahagi ng Quezon City, General Trias, Cavite; at Sto. Tomas sa Batangas.

Sa abiso ng Meralco, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon mawawalan ng kuryente sa bahagi ng Barangay Ugong Norte sa Quezon City.

Ito ay dahil sa gagawing pagpapalit ng poste ng Meralco at line reconductoring works sa bahagi ng Temple Drive.

Sa General Trias, Cavite naman, alas 10:00 din ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Barangay Manggahan.

Ayon sa Meralco, aayusin nila ang kanilang pasilidad sa bahagi ng Steland View, Buenavista at Tierra Grande Subdivisions.

Sa Sto. Tomas Batangas naman, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Barangay San Bartolome.

Magpapalit din ang Meralco ng kanilang poste ng kuryente sa kahabaan ng San Bartolome Barangay Road.

TAGS: meralco, power interruption, Radyo Inquirer, meralco, power interruption, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.