Aretha Franklin malubha na ang sakit

By Justinne Punsalang August 14, 2018 - 12:18 AM

AP

Malubha na ngayon ang kalagayan ng tinaguriang Queen of Soul na si Aretha Franklin.

Ito ang ibiniunyag ng isang malapit na kaibigan ng kanyang pamilya.

Ayon dito, nasa Detriot si Aretha at malubha na ang kanyang sakit.

Humihiling umano sa ngayon ang kanyang pamilya ng panalangin at privacy.

Taong 2010 nang ma-diagnose na mayroong pancreatic cancer ang singer.

Huli naman siyang nagtanghal noong November 2017 para sa Elton John AIDS Foundation na ginanap sa New York City.

Kabilang sa mga kilalang awitin ni Aretha ang “Respect” at “I Say a Little Prayer.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.