Don Trollano kasali na sa Final 12 para sa Asian Games

By Justinne Punsalang August 14, 2018 - 12:03 AM

Balik sa National Team para sa 2018 Asian Games basketball tournament si Don Trollano.

Ito ay matapos hindi payagan ng pamunuan ng NBA na makapaglaro para sa Pilipinas si Cleveland Cavaliers player Jordan Clarkson.

Ayon kay Yeng Guiao na siyang head coach ng national team, pasok na sa Final 12 lineup si Trollano na naunang tinanggal para sana kay Clarkson.

Ani Trollano, pinaghanda pa rin siya ni Guiao sakaling hindi makapaglaro para sa Pilipinas ang NBA star. Kaya naman masasabi niyang ready na siya para sa Asiad.

Aminado siya na mas maganda ang kalalabasan ng torneo para sa Pilipinas kung si Clarkson ay bahagi ng national team. Aniya, malaking tulong kung mayroong NBA player sa koponan.

Magaganap ang unang laro ng Pilipinas para sa 2018 Asian Games basketball tournament sa Huwebes, August 16 kontra sa koponan ng Kazakhstan. Sunod namang makakalaban ng bansa ang China sa August 21, araw ng Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.