Manila Water tigil muna sa paghuhukay sa Edsa

By Jan Ecosio August 13, 2018 - 04:57 PM

Inquirer file photo

Naglabas ng abiso ang Manila Water na hindi muna sila magsasagawa ng pipelaying at interconnection activities sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard.

 

Ayon sa Manila Water ito ay dahil sa patuloy na masamang panahon lalo na sa Metro Manila.

 

Bunga nito hindi na magkakaroon ng water interruptions o pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang barangay sa Mandaluyong City, Quezon City, San Juan City at Pasig City.

 

Ang paggawa sana ng Manila Water ay naka-schedule mamayang ala-7 ng gabi mamaya hanggang alas 9 ng umaga bukas.

 

Wala pang naitakdang bagong schedule ang Manila Water para sa pagsasaayos ng tubo sa nabanggit na lugar.

TAGS: edsa, manila water, Shaw, water, edsa, manila water, Shaw, water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.