Mahigit 200 pasahero nananatiling stranded sa mga pantalan – PCG

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 11:41 AM SHARE(S):

Aabot sa 207 na mga pasahero ang nananatili pa ring stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol Region at Southern Tagalog.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol, mayroong 105 na stranded na mga pasahero sa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Sa mga pantalan naman ng Southern Luzon, nakapagtala din ng mga stranded na pasahero partikular sa Real Port sa Romblon na may 58 stranded na pasahero; Tingloy Port sa Batangas, 26; at sa Infanta Port, 16 na pasahero; habang may 2 pasahero na stranded sa Calatagan Port.

Mayroon ding 31 mga motorbanca ang stranded sa mga pantalan at 6 barko.

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Coast Guard sa alituntunin sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon.

TAGS: philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.