LOOK: Sanggol inabandona sa Rodriguez, Rizal

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 11:14 AM SHARE(S):
Rodriguez PNP

Isang sanggol ang natagpuang abandonado sa tabi ng basurahan sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa ulat ng Rodriguez Police, nakita ang bata sa kalsada na sakop ng Southville 8-C, sa Barangay San Jose.

Isang tauhan ng barangay ang nakakita sa bata habang nagwawalis siya ng kalsada.

FB Photo | Richelle Agripa

Agad namang nadala ang bata sa health center sa lugar ang sanggol na kasisilang pa lamang dahil nakakabit pa ang kaniyang pusod.

Viral naman ang larawan ng pulis na si PO3 Florence Dingcong habang pinapa-breastfeed ang naturang sanggol upang mapawi ang gutom nito.

Sa ngayon ay nasa ligtas nang kondisyon ang sanggol na pinangalan munang “Baby Carding” at dinala sa Amang Rodriguez Hospital sa Marikina City para mabantayan ng husto ang kaniyang kalusugan.

 

TAGS: Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.