FEU wagi kontra Perpetual sa PVL

By Justinne Punsalang August 13, 2018 - 12:09 AM SHARE(S):

Tila nahanap na ng Far Easter University Lady Tamaraws ang papalit kay Bernadeth Pons sa katauhan ni Celine Domingo.

Ito ay matapos pangunahan ng manlalaro ang tapatan kagabi ng FEU at University of Perpetual Help System Dalta Lady Altas.

Natapos ang laro sa iskor na 25-15, 15-25, 22-25, 25-14, at 15-6 pabor sa Lady Tamaraws, at 18 sa mga puntos dito ay mula kay Domingo.

Ayon kay Domingo, ginagawa lamang niya ang kanyang role bilang bahagi ng koponan at kung ano man ang kailangan ng Lady Tamaraws mula sa kanya.

Dagdag pa nito, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang matulungan ang koponan.

Aniya pa, sa bawat laro na kanyang sinasabak, ang lagi niyang iniisip ay ang koponan at hindi ang kanyang sarili.

Dahil sa pagkapanalo ng Lady Tamaraws, mayroon na itong 4-1 win-loss record at nasa ikatlong pwesto sa torneo kasunod ng University of Santo Tomas at Adamson University.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.