Bianca Gonzales pinalalaking gender-neutral ang anak

By Justinne Punsalang August 13, 2018 - 12:56 AM

Bianca Gonzales Instagram

Kasunod ng adbokasiya ng aktres na si Bianca Gonzales tungkol sa mga social issues kagaya ng pagpapaputi at pagbibigay ng boses sa mga miyembro ng LGBTQ+ community, ay ibinahagi nito kung paano niya pinalalaking gender-neutral ang kanyang anak na si Lucia.

Sa Instagram post ngaktres ay sinabi nito na habang bata pa lamang ay ine-expose na niya si Lucia sa mga gender-neutral colors, maging sa mga libro at laruan.

Paliwanag ni Bianca, ibig sabihin niyo ay pinagagamit niya sa kanyang anak ang mga damit na kulay puti, gray, khaki, at navy.

Habang wala naman aniyang laruan na para lamang sa lalaki o babae, kaya kung gusto ng kanyang anak ay ipalalaro niya dito ang lutu-lutuan o sasakyan.

Katunayan aniya ay hindi pa kilala ng kanyang anak ang mga Disney Princess.

Ngunit aniya, dahil sa exposure sa kapwa bata ay unti-unti nang nadidiskubre ni Lucia ang ibang mga bagay at sa ngayon ay nahihilig umano ito sa kulay na pink at violet.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.