Uniform sana ni Jordan Clarkson nakahanda na

By Chona Yu August 12, 2018 - 06:05 PM SHARE(S):

May nakahanda na sanang uniform ang Palasyo ng MalacaƱan para kay Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson na una nang napaulat na maglalaro para sa Pilipinas sa 2018 Asian Games na gaganapin sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, bilang isang basketball fan, nakalulungkot at nakadidismaya na hindi pinayagan ng NBA na makapaglaro sa Philippine team si Clarkson.

Si Clarkson ay may dugong Pinoy.

Gayunman, sinabi ni Go na naiintindihana naman niya na hindi pinayagan ng NBA si Clarkson dahil sa mga agreement ng NBA at FIBA.

Ipinagtataka ni Go na pinayagan ng NBA noon na makapaglaro para sa Canada sa Pan America Games o ang counterpart ng Asian Games si Andrew Nicholson habang may live contract pa siya sa NBA.

Hirit ni Go sa NBA, iwasan sana ang pagkakaroon ng mga double standard lalo na’t nakasalalay ang ambisyon ng Pilipinas na makilala sa buong mundo sa larangan ng basketball.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.