NBA player na si Jordan Clarkson hindi pinayagang makapaglaro para sa Pilipinas sa Asian Games

By Chona Yu August 12, 2018 - 05:41 PM SHARE(S):

Hindi na makapaglalaro para sa Pilipinas ang sikat na Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson sa 2018 Asian Games.

Ayon kay NBA Spokesperson Tim Frank, maaari lamang makapaglaro ang mga NBA players sa Olympics, FIBA World Cup, Continental Cup competitions, at iba pang associated qualifying tournaments.

Ayon kay Frank, ang Asian games ay hindi kabilang sa mga nabanggit na kompetisyon.

Una nang naiulat na pinapayagan na ng Indonesia Asian Games organizing committee na makapaglaro si Clarkson para sa Pilipinas.

Si Clarkson ay isa sa nakapila sa Final 12 at pinili ni Asiad head coach Yeng Guiao.

Gaganapin ang Asian Games sa loob ng buwang ito sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.