Andrea Brillantes ni-rescue dahil sa baha

By Justinne Punsalang August 12, 2018 - 03:05 PM

Andrea Brillantes Instagram

Hindi nakaligtas ang teen actress na si Andrea Brillantes sa mga pagbahang naranasan sa Metro Manila dulot ng mabigat na pag-uulan kahapon.

Sa isang Instagram post ng Kapamilya actress ay ibinahagi nito na limang oras silang na-stuck ng kanyang ina sa loob ng isang sasakyan sa Quezon City.

Batay sa post ni Andres, alas-12:30 ng hapon nang sinuong nila ng kanyang ina ang baha. Ngunit, nang lumalim na ang baha ay kinailangan na nilang magpasaklolo.

Alas-5:30 na ng hapon nang sila ay i-rescue ng isang bangka sa Talayan Village.

Makikita sa litrato na umabot na hanggang dibdib ang baha.

Laking pasasalamat ni Andrea sa mga tumulong sa kanila. Aniya, hindi niya malilimutan ang naturang pangyayari.

We survived! Thank you sa mga kuya na tumulong samin ni mama kahit abot na sa dibdib niyo yung tubig! Wohoo di ko makakalimutan yung experience na to. Stay safe everyone!!! Thank you @carecarol !💛

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on Aug 11, 2018 at 2:47am PDT

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.