Pacquiao at Arum nag-usap para sa December fight

By Jimmy Tamayo August 11, 2018 - 11:13 AM SHARE(S):

Nagpulong sina Top Rank Promotions Chief Executive Bob Arum at si Senator Manny Pacquiao.

Si Arum ay dumating kahapon ng umaga sakay ng isang private jet at dumiretso sa General Santos City kung saan naninirahan si Pacquiao.

Tumuloy si Arum sa mansion ng mga Pacquiao para mag-usap.

Sandali lamang ang naging pag-uusap ng dalawa na ayon sa senador ay may kinalaman sa mga plano niya sa kanyang boxing career.

Nabatid na agad din na bumalik sa Amerika si Arum matapos ang pulong kay Pacquiao.

Kinumpirma naman ng pambansang kamao na inaayos na niya ang panibagong laban sa Disyembre pero hindi pa ito pinal at hindi pa niya tiyak kung sino ang makakalaban.

Ang bagong tayo niyang MP Promotions ang siyang hahawak ng nasabing laban.

TAGS: Bob Arum, General Santos City, manny pacquiao, top rank promotions, Bob Arum, General Santos City, manny pacquiao, top rank promotions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.