Batang Gilas tinambakan ng Australia sa FIBA Asia

By Jimmy Tamayo August 11, 2018 - 09:51 AM SHARE(S):
Photo: Fiba.com

Bigo ang Batang Gilas na makuha ang kampeonato sa Fiba Asia U18 Tournament na ginaganap sa Thailand.

Tinambakan ang pambato ng Pilipinas ng koponan ng Australia sa kanilang paghaharap kahapon sa score na 77-43.

Naging mahigpitan ang laban bago makaiskor ang Australia sa second period at magpaulan ng sunod-sunod na bola si Callum Dalton katuwang si Kody Stattman.

Nahirapan ng husto dahil sa higpit ng depensa ang mga star player ng bansa na sina Kai Sotto at AJ Edu.

Dahil sa naturang panalo, maghaharap ang Australia at New Zealand sa finals.

Magtatagisan naman para sa bronze ang Pilipinas at ang China ngayong araw.

TAGS: Australia, Batang Gilas, edu, FIBA, Sotto, Australia, Batang Gilas, edu, FIBA, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.