2 holdaper patay; 3 drug suspect arestado sa magkahiwalay na operasyon sa QC

By Jong Manlapaz August 11, 2018 - 05:34 AM SHARE(S):

Dalawang riding in tandem ang napatay ng Quezon City Police District sa Brgy. Novaliches, Quezon City matapos mangholdup sa Susano Road Quirino Highway.

Ayon kay QCPD Station 4 Col. Rossel Cejas, ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ay nanlaban matapos masukol ng mga police sa ginawang police operation.

Samantala, arestado naman ang tatlong kalalakihan kabilang ang anak ng isang kilalang komedyante sa ginawang buy bust operation ng QCPD station 4 sa Brgy. Pag-asa. 

Nakuha sa mga suspek ang halos isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P95,000, drug pharaphernalia at buybust money.

Ayon kay Supt. Cejas, matagal na nilang sinusubaybayan ang kilos ng mga suspek.

Nahaharap sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.