Lasing na pulis, arestado matapos magpaputok ng baril

By Jong Manlapaz August 11, 2018 - 05:27 AM SHARE(S):

Halos hindi na makatayo at kinailangan pang pagtulungang alalayan ng dalawang miyembro ng Quezon City Police District (QPCD) ang kapwa nito pulis dahil sa sobrang kalasingan.

Ayon kay QCPD Station 10 Col. Luis Tremor, nakatanggap sila ng sumbong na may isang lalaki na nagpaputok ng baril sa bahagi ng Timog, Quezon City.

Nagulat na lamang sila ng makita na aktibong pulis pala ang nagpaputok ng baril at lango sa alak.

Kinilala ang pulis na si PSI Chrisopher Obrial, na nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso at posibleng pagkakasibak sa tungkulin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.