PH Basketball team na ilalaban sa Asian Games, naisapinal na

By Rhommel Balasbas August 11, 2018 - 01:23 AM SHARE(S):

Kumpirmado na ang 12-man lineup na isasabak ng Pilipinas sa Asian Games basketball tournament na aarangkada na ngayong buwan.

Ito ay inanunsyo mismo ni Yeng Guiao na napiling coach ng grupong magrerepresenta sa Pilipinas.

Ang mga kasama sa grupo ay sina

– James Yap
– Chris Tiu
– Gabe Norwood
– Beau Belga
– Raymond Almazan
– Maverick Ahanmisi
– Paul lee
– Stanley Pringle
– Christian Standhardinger
– Asi Taulava
– Poy Erram
– at Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson

Gayunman, upang makapaglaro para sa Asian Games, kailangan pa ni Clarkson ng clearance mula sa National Basketball Association (NBA).

Kinumpirma na ni Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio na pinayagan na ng Indonesia Asian Games Organizing Committee at ng Cleveland Cavaliers si Clarkson na lumahok sa Asian Games.

Sakaling hindi payagan na maglaro si Clarkson ay lalaban ang Pilipinas na mayroon lamang na 11 miyembro.

Bigo na mapasama sa final squad ang Gilas Pilipinas cadets na sina Kobe Paras at Ricci Rivero at ang TNT forward na si Don Trollano.

Samantala, nakatakda ng lumipad patungong Indonesia ang national team sa Linggo at ang una nilang laban ay nakatakda na sa August 16.

TAGS: Asian Games 2018, PH Basketball Team, Asian Games 2018, PH Basketball Team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.